Simpleng haplos ng 'yong kamay
Ayos na agad ang lahat.
Matamis mong titig
At dampi ng matamis mong halik
Dulot ay di mapantayang kaligayahan.
Sa lubos na sigla na dulot mo sa buhay ko
Doon pa lang panalo na ako;
Paano pa kaya ang pagpipinta
Ng 'sandaang kulay na nagpapasigla
At pumupukaw sa dating tuyong damdamin?
Isang larawang obra maestra --
Ito marahil ang pag-ibig natin.
Likha ng Maestrong Pintor ng buhay
Di kayang pigilan ng bagyo't unos
Umiigting sa paglipas ng panahon.
Minsa'y iniisip ko kung paano na lang,
Kung di kita natagpuan?
Saan kaya pupulutin ang ligaya?
Sino ang magbibigay ng masasayang kulay
Kung wala ka sa 'king buhay?
Ngayo'y naniniwala akong magpapatuloy
Ang pagpipinta ng 'sang obra maestra
Dahil habang ika'y nasa piling ko
At ako'y di magbabago
Parang malaking obra ang ating mundo.
Thursday, July 30, 2009
Silipin Ang Puso
Hindi madaling ipakita kung ano ka sa akin,
Di naman ako ang tipong may-dating.
Nararamdaman ko'y malayo sa nakikita mo,
Kung alam mo lang ga'no ako kabaliw sa 'yo.
Di naman ako tipong pa-impress na tao --
Di lang talaga ako ganoon.
Nanaisin ko pang ipakita ang mga pangarap ko
Para lubos mong maintindahan kung sino ako.
Silipin mo sana ang puso ko
Nang makita mo ang laman nito,
Lubos na pagmamahal ang maibibigay ko
Tanawin mo't paniwalaan mo.
Wala namang perpekto kahit magsikap pa
Kaya't may mga oras na nabibigo kita
Pero sana'y masulyapan mo ang laman ng puso
Kaya mo 'tong paikutin, subukan mo.
Nais kong ipangako na lubos kitang mamahalin
Na narito lang ako't maghihintay.
Masulyapan mo lang na ako'y nakangiti
Alam mo ang nais kong iparating.
Kung marining mo sana ang puso ko
Na ikaw ang tinitibok at laman nito,
Iwaksi ko man sa isip ko
Di kayang itanggi na ito'y totoo.
Dumating man ang panahon na ika'y umibig,
Maaaring sa iba ang puso'y bumaling,
Saan ka man dalhin ng tadhana,
Sa puso ko'y may itinabing dambana.
Subscribe to:
Comments (Atom)