Minsan iniisip ko nasaan ako
Nangangarap lang ba o sadyang totoo
Naroon ka at nandito naman ako
Ngunit tila abot-kamay ang puso mo.
Nakakatuwa kasi ang iyong ngiti
Bungisngis palang ay nakakabighani
Ang dami naman d’yan kasing mapipili
Bakit pa nga ba ako nagbabakasakali?
Sa kuwentuhang walang pinatutunguhan
At kahit animo’y sinasadyang bolahan
Tila alamat na walang pinagmulan
Na alam nating may pinatutungkulan.
May koneksyon ba tayo sa isa’t isa,
O nabulag lamang sa silaw at kaba?
Heto at pilit ngang kinakapa-kapa
Kung saan ba talaga ‘to mapupunta.
Madalas kong ibulalas, “bahala na!”
Pero di naman madali ang “tara na!”
Kaya sa nais iukit ang tadhana,
Kinukumbinsi ang sariling wala na.
Kaya’t kahit saan man ako lumisan,
O ikaw na mismo ang magdadahilan,
Alamin ang sarling puso’y nasaan,
Tinitiyak kong ako ay naririyan.
(homer nievera)
No comments:
Post a Comment